emanilapoetry is a member website of emanila group, our community § search "poetry" at emanila

Comments: (0)

Tulang Malaya

Category : Malayang Indayog

Ang tulang  kumawala

sa bartolina ng tugma at sukat

ay tulang:

M   a   l   a   y   a

ang sintensya ng sesura ay wala nang bisa

sapakat umiskapo na ang mga salita.

Marami ang umuusig-

sapagkat mga takot  sa paglaya

ng radikal na pag-iisip.

Ngunit ngayon ay hind na mapipigil

ang mga salita’y nagkapakpak at nagkapangil-

sumisigaw, nagpapalahaw-

sa walang kasing tunog na ingay

sumasaliw-

umiindayog mag-isa.

Comments: (2)

sakit ng katawan

Category : Hinaing

ang pagal na katawan ay di na dumadaing

sa kapaguran ng isip ay tila wala ng malay pa

nanghahapding mga mata

sa temperaturang patuloy sa pagtaas

 

sa dami ng agiw ng isipan

ay hika ang inabot

ang tila kumukulong putik ng loob

ay parang bulkang isinabog ko

 

oo, isnigaw ko ang baho ng pagkatao

ang kanilang basura ay aking isinabog

talim ng aking salita ay ipinamalas

ngunit nakalimot, ako’y mahina

 

sa banig nakaratay ngayon

dahil ang puso ay di sing tatag ng isipan

laman ko’y sumuko

di kinaya ang buhawi ng imosyon

 

walang ibang inabot kundi sakit ng katawan

Comments: (0)

020610 too far

Category : Love and Friendship

like clouds going away
i tried to reach the sky
but it’s too far away

….kunny…..

Comments: (0)

020610 kamakailan lang

Category : Pag-ibig at Pagmamahal

masdan mo ang liwayway
mga dahong kumakaway
mumunting ulap papalayo
sunod mga ibong nanunuyo
nabubuksan ang kalangitan
nagpapakita bagong kabihasnan

may awit sa aking isip nagpupumilit
putolputol sinusubukang magdikit
may himig at mga salitang angkin
sa kailaliman ng puso ko nagniningning
alinsabay ng pitik na kamakailan ko
lang nadama; nagbalik ulit, wika nga

Comments: (2)

nakakulong sa bangungot

Category : Pagmumuni

nakatitig sa kawalan

ang malalim na isipan

naghahanap ng lagusan

ang ligaw na kapalaran

may dungis ang alaala

isang pintang ‘di mabura

ng larawang naging obra

‘di mawaglit sa memorya.

luhang hindi dumalislis

nag-iipon ng himagsik

nagsusumiksik sa dibdib

kinakapos na ng bait.

ang payo ng nagsangguni

ay limutin kung maari

ngunit multong umuuli

sa diwa ay nanatili.

dahil kalaban ang takot

sumusungaw pa ang lungkot

walang lakas na mahugot

hinahabol ng bangungot.

sarili ay ‘di madaya

sinentensiyahang kusa

nakapiit sa gunita

maghihintay ng paglaya.

Comments: (0)

020510 you stole my heart

Category : Love and Friendship

my sense told me i saw
pretty flower by my window
i heared birds chirping a melody
rejoicing coming of sunny day
i walk away to turn on my pc
start listening to music, i know
and i’m absorb deep in blue

where is my feelings going
it fears me i’m morphing
it fears me leaving my friends
wilt under the sun without me
noticing them in their prime
what had happened, why
why i feel this way again

because you stole my heart
and left me in the dark

….lol i’m glad you’re still
pacing your floor, blu

Comments: (3)

Baliw na Pagmamahal

Category : Pag-ibig at Pagmamahal

Tanging araw ng aking pagsilang

Hunghang na naghihintay nang masuyong bati

Kung bakit ang hungkag na puso`y alumpihit

Gabing-gabi na`y binabayo pa ang dibdib

 

Igan malapit nang pumutok sa silangan

Hindi pa rin gumigitaw ang hinihintay

Garapa`y taob na katawa`y lumulutang

Malapit nang sumilip ang bukang-liwayway

 

Wala pang dapo sa kawad ng telepono

Ang mahal na ibong sumakabilang dako

Kabanuan ang asam ng windang na puso

Nangangapa sa dilim ang aninong bigo

 

Bakit pag-ibig na nag-ugat ng malalim

Bakit ayaw mamatay kahit na bunutin

Ang tontong likidong iniinom ng bibig

Ay pinipilit takpan ang guwang sa dibdib

 

Salamat kasama ko sa alab na bigay

Nababaliw ang isip sa loob ng kural

May pintuan kaya o isang kahibangan

Paano tatakas sa isang kabaliwan

 

Luanda, Angola

04 Feb. 2010

Huwebes

Dito sa aking silid

Likido sa kopita ang tanging kasama

Comments: (0)

Dagli

Category : Inspirasyon

Hindi kabaliwan ang nagpapakinang sa mga makata;

ang paglikha ng tula ay may pagkukusa.

Comments: (0)

Dayaw Ng Ibon Sa Pugad

Category : Kapaligiran

Ako’y isang ibong iniwan ni ama sa pugad,
Upang makahanap ng mga uod at prutas;
Sa buong maghap’y walang humpay ang paglipad
Ako’y nangangambang si ama ay napahamak.

Nahan ka ama at ako ay iyong iniwan,
Sa maghapong gutom sa yakap mo’y nauuhaw;
Ako’y natatakot pagkat walang limbo ngayon ang b’wan
Ang ibon sa pugad nasa dila ng kamatayan.

Comment: (1)

Biso*

Category : Samut-sari

Ay, biso* ang batang may hawak na biwas,
Aayaw kumibit ayunging malapad;
Mabuti pang ikaw’y kumuha ng salap
Magtiis pag-alig sa dulong at yapyap.

Ay, biso ang batang may tangang tirador,
Hindi matamaan ang malaking ibon;
Mabuti pa yata’y kumuha’ng asarol
At iyong bagbagin ugat ng balinghoy.

Ay, biso ang batang magpalmo sa holen,
Aayaw bumaldig ang tirada’y paling;
Mainam pa yata ikaw ay kumain
Upang iyang gutom iyong sansalain.

Ay! Ay! Batang biso di magtatagumpay,
Kapag kumakalam tiya’y walang laman.

*malas, walang suwerte